Artist: → Zild
{Intro}
Three, four
{Verse 1}
Kinse anyos ka na nga, pag-ibig na’ng gusto bigla
Hindi namamalayan na, na ikaw ay tumatanda
Unti-unti nang dadating sari-saring pakiramdam
Dati gusto mong gawin, wala ka na ngang pakialam
{Chorus}
Sana ‘di ka magbabago
Kahit sino man sa mundo, ika’y mabibigo
Sana laging isapuso, ‘di mo kailangan sila
Mag-ingat ka sa pipiliin mo
‘Wag kang susuko
{Verse 2}
Tsokolate’t bulaklak, diyan ka mauuto nila
O kaibigang nanghahatak sa magagarbo na salita
Nakita sa pelikula, hindi katulad nu’ng bida do’n
Pag-ibig na romantika, ‘di kailangan lahat nang ‘yon
{Chorus}
Sana ‘di ka magbabago
Kahit sino man sa mundo, ika’y mabibigo
Sana laging isapuso, ‘di mo kailangan sila
Mag-ingat ka sa pipiliin mo
‘Wag kang susuko
{Bridge}
Hindi mo mapipigilan ‘yan kailan man
Ang payo, magdahan-dahan lang sa paghakbang
{Chorus}
Sana ‘di ka magbabago
Kahit sino man sa mundo, ika’y mabibigo
Sana laging isapuso, ‘di mo kailangan sila
Mag-ingat ka sa pipiliin mo
‘Wag kang susuko
{Outro}
Ohhh
‘Wag kang susugod